in

‘Alden’s Reality,’ unang virtual reality concert sa Pinas!


Excited na inabangan ng fans ni Alden Richards ang pagbubukas ng ticket sales para sa anniversary concert ng Asia’s Multimedia Star sa December 8, ang “Alden’s Reality.” At talaga namang special pala ang handog na ito ni Alden sa kanyang fans dahil sa ito ang kauna-unahang virtual reality concert sa bansa.

Iba pa raw ito sa usual virtual o online concerts na ginagawa ngayon dahil sa element nitong virtual reality. Gamit ang teknolohiya ay magkakaroon ng chance ang mga manunuod na makipag-interact kay Alden. At dahil online ito, kahit mga Kapuso abroad ay makaka-join sa panunuod.

Available na ang ticket sa www.gmanetwork.com/synergy. P999 ang presyo para sa general admission. Ang mga nasa Pilipinas, may special treat dahil pwede silang maka-avail ng special VIP package sa halagang Php 1,200. Kasama ng isang general admission ticket ang isang exclusive VR device na pwedeng magamit sa panunuod ng concert ni Alden.



Si Paolo Valenciano ang director ng “Alden’s Reality” at ito ay produced ng Synergy: A GMA Collaboration. Para sa ibang detalye, bisitahin lang ang www.gmanetwork.com/synergy at i-follow ang https://www.facebook.com/GMASynergy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

Ianna Dela Torre, may hatid na good vibes sa ‘Pinapa’ Dance Challenge

Sanya Lopez, Rocco Nacino, at Valeen Montenegro, magsasama-sama sa isang proyekto