in

Alden Richards, tinanghal na ‘Movie Actor of the Year’ sa 36th PMPC Star Awards for Movies

Wagi na naman ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards matapos siyang tanghaling ‘Movie Actor of the Year’ sa 36th PMPC Star Awards for Movies na ginanap kagabi.

Pinarangalan si Alden para sa kaniyang natatanging pagganap sa 2019 film na ‘Hello, Love, Goodbye.’ Itinanghal din silang dalawa ng aktres na si Kathryn Bernardo bilang ‘Movie Loveteam of the Year’ para sa nasabing pelikula. Dahil dito, inulan si Alden ng pagbati mula sa mga fans at mga malalapit na kaibigan sa industriya.

Bukod sa kaniya, nag-uwi rin ng awards ang kaniyang fellow GMA Artist Center talents na sina David Licauco at Michelle Dee bilang New Movie Actor and Actress of the Year para sa pelikulang ‘Because I Love You.’