in

Alden Richards, may bonding sa fans sa regions ngayong Biyernes

Tiyak na mas mae-excite gumising ang fans ni Alden Richards sa regions ngayong Biyernes (July 23) dahil ang Asia’s Multimedia Star ang makaka-bonding nila sa “Kapuso Fans Day on TV” handog ng GMA Regional TV.

Si Alden, miss na rin daw ang pagbiyahe para makasama ang kanyang fans sa regions. Ganuon pa man, thankful pa rin ang Kapuso actor dahil patuloy ang mainit na suporta ng viewers sa kanya.

“Kahit pandemic at hindi ko kayo [personal] na nakikita, nandyan pa rin kayo and it means a lot to me,” say ng aktor na ngayon ay gabi-gabing napapanood sa primetime series na “The World Between Us” at kapag Linggo naman ay nagpapasaya sa “All Out Sundays.”