in

Alden Richards at Bianca Umali, winner sa Laguna Excellence Awards!

Panalo ang Kapuso stars na sina Alden Richards at Bianca Umali sa nagdaang 3rd Laguna Excellence Awards.

Kinilala bilang Outstanding Male Recording Artist of the Year ang Asia’s Multimedia Star na si Alden para sa kaniyang latest single under GMA Music na ‘Goin’ Crazy’. Samantala, ang ‘Legal Wives’ actress naman na si Bianca ang nanalo bilang Outstanding New Female Recording Artist of the Year para sa single rin niya under GMA Music na pinamagatang ‘Kahit Kailan.’

Siguradong proud na proud na naman ang fans nina Alden at Bianca sa natanggap nilang awards. Congratulations, Kapuso!