in

Aicelle Santos, suportado ang fundraiser para sa pedicab drivers ng Intramuros

Tuluy-tuloy ang pagtulong ng ilang Kapuso stars para sa mga kababayan nating apektado ng COVID-19, at isa na dyan ang international singing sensation na si Aicelle Santos. Sa kanyang Instagram stories, ipinost ng ‘Centerstage’ judge ang ‘PEDIKABAYAN’, isang fundraiser para sa mga pedicab driver ng Intramuros na nawalan ng trabaho habang naka-quarantine.

Layon ng proyektong ito na makapagbigay sa kanila ng relief goods gaya ng rice, milk, coffee, noodles, biscuits, at canned goods.

“Tulong para sa ating mga kapatid na pedicab drivers,” ang maikling panawagan ni Aicelle.

Kasama rin sa post niya kung saan maaaring mag-donate ang mga nais tumulong.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Janine Gutierrez, thankful sa kanyang alagang aso

Garrett Bolden, nagbigay ng tips para sa mga gustong maging ka-boses sina Lani Misalucha at Christian Bautista