in

Aicelle Santos at Maricris Garcia, reunited dahil sa ‘Wish Ko Lang’

Naging daan ang nalalapit na pagbabalik-ere ng Wish Ko Lang upang magkatrabaho muli ang magkaibigang sina Aicelle Santos at Maricris Garcia.

Ang dalawang Kapuso singers kasi ang kakanta sa theme song ng GMA Public Affairs program na mapapanuod muli simula ngayong Sabado, July 11.

Sa panayam sa 24 Oras, sinabi ni Aicelle na happy at excited siya sa kanilang collaboration ni Maricris kahit na di sila personal na nagkita at nakapag-record together dahil na rin sa COVID-19. “Sobrang happy and at the same time na-excite kasi I get to sing with Maricris again. Sa iba nga lang na set-up kasi magre-record kami sa kani-kaniyang bahay namin.”

Share naman ni Maricris, dapat daw abangan ng viewers ang theme song ng Wish Ko Lang at syempre pa ang pagbabalik-telebisyon ng programang minahal ng lahat. “’Yung every word, every lyric na nandoon, very specific. Simpleng-simple, madali siyang maintindihan. Catchy rin ‘yung melody niya.”

Nakatutuwa rin na sabay na ipinagbubuntis nina Aicelle at Maricris ang kanilang first baby ngayong 2020. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jon Lucas, thankful sa tiwala at pagmamahal ng GMA Network

Janine Gutierrez at Rayver Cruz, sumabak sa “Can’t Say No” challenge