in

Aiai delas Alas, dinaan sa baking ang natanggap na pamba-bash

Imbes na malugmok si Comedy Queen Aiai delas Alas mula sa hate comments na natanggap matapos niyang sabihing hindi niya gusto ang recent K-drama na pinagbibidahan ng sikat na Korean actor na si Lee Min Ho, idinaan na lang ito ng komedyante sa tawa at paggawa ng pandesal.

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ni Aiai ang kanyang nilutong pan de lemon na pabirong pinangalanan pa nitong ‘Pan Lee Min Ho’.

“Kung may pandilimon, ang Martina’s may Pande Lee Min Ho… with ube and korteng L for ‘Lee.’ Soon gagawa pa ako ng Ube Pande Lee Min Loaf.”

Habang di pa busy bilang judge ng The Clash, ginugugol ni Aiai ang kanyang oras sa negosyo niyang Martina’s Bread and Pastries na itinayo n’ya sa kasagsagan ng quarantine.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Megan Young at Mikael Daez, sinariwa ang kanilang huling Japan trip

Rhian Ramos, nagbahagi ng tips kung paano maging productive sa bahay