in

AC Bonifacio, may ‘On Ztage’ mini concert sa FYE kasama sina Darren Espanto, Zephanie Dimaranan, BGYO, at Gary V.

Kaabang-abang ang final episode ng digital show ni AC Bonifacio na “On Ztage” sa kumu dahil isang mini concert kasama sina Darren Espanto, Zephanie, BGYO, at Gary Valenciano ang magaganap ngayong Sabado (Oktubre 16).

Mula isang oras, pinahaba sa mahigit dalawang oras ang espesyal na online gathering sa FYE channel na mapupuno ng mga memorable performance ni AC kasama pa ang mga guest niya.

Una sa listahan ang premiere episode guest na si Darren na nagbabalik para maging co-host ni AC.

Mapapanood din si ‘Mr. Pure Energy’ Gary V sa show kung saan makikipag-kumustahan siya sa mga manonood at makikipaglaro ng isang masayang game kasama sina AC at Darren. Dapat ding tutukan ang young diva na si Zephanie, na bukod sa hinandang song number ay magkukwento rin tungkol sa experience niya bilang boot camper ng global pop group na Now United.

May special appearance naman ang P-Pop boy group ng ABS-CBN na BGYO, na kamakailan lang ay ini-release ang debut album nilang “The Light” na nag-number 1 sa iTunes Albums Chart sa limang bansa. Mapapanood sa episode ang kanilang performance at video message.

Patuloy pa rin ang pagbibigay ng pagkakataon ng “On Ztage” sa mga talentadong kabataan na makapagpasikat dahil pwede silang ma-feature sa mini concert sa pamamagitan ng “On Ztage Kumu Clip Dance Challenge.” Kailangan lang mag-upload ng kumu klip na nagpapakita ng iyong pinakamagaling na freestyle dance moves gamit ang hashtag na #BeOnZtageWithAC para maitampok sa finale ng “On Ztage” at manalo ng 50,000 kumu coins.

‘Wag palampasin ang finale ng “On Ztage with AC Bonifacio” live sa FYE Channel (@fyechannel) sa kumu (app.kumu.ph/fyechannel) 7PM ngayong Sabado (Oktubre 16). Para sa iba pang detalye, sundan ang @fyechannel on Instagram.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Boyet de Leon, papatayin na sa ‘Huwag Kang Mangamba’?

Dokyu ng ABS-CBN na ‘Fedelina: A Stolen Life,’ wagi ng Silver Medal sa New York Festivals