in

ABS-CBN, pinarangalan sa 43rd Catholic Mass Media Awards

Hinirang na Best Station ID ang “Ikaw Ang Liwanag at Ligaya” ng ABS-CBN sa 43rd Catholic Mass Media Awards kamakailan lang bukod sa iba pang pagkilala bago matapos ang taong 2021.

Ang Christmas theme ng ABS-CBN noong 2020 ay isa sa tatlong video na likha ng ABS-CBN Creative Communication Management (CCM) division na tumanggap ng parangal ngayong taon.

Nagwagi rin ang “Pag-alala sa Kadakilaan: Tribute to Frontliners” bilang Best Public Service TV Ad at Best TV Ad (Branded) naman ang “Hindi Ka Nag-iisa,” na isang teaser para sa teleseryeng “Huwag Kang Mangamba.”


Kabilang din sina Carlo at John sa “21 People Who Shaped 2021” list ng luxury magazine na Lifestyle Asia.

Samantala, ginawaran rin sa Gabi ng Parangal ng 2021 Metro Manila Film Festival (MMFF) Gabi ng Parangal sina Charo Santos (Best Actress in a Leading Role), Rans Rifol (Best Actress in a Supporting Role), at Daniel Padilla (MMFF Jury Prize Award) para sa kanilang pagganap sa “Kun Maupay Man It Panahon.”

Nanalo rin ang pelikula ng Second Best Picture, ng Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award, Best Production Design, at Best Visual Effects.

Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.