in

ABS-CBN at Uplive, may kasunduan para sa ‘Idol Philippines’

Sa bagong audition process, kailangan lang nilang i-download ang Uplive app at i-upload ang kanilang audition video.

Nagkasundo ang ABS-CBN at Uplive para mapadali ang pag-audition ng aspiring singers na gusto maging susunod na kampyeon ng “Idol Philippines” at magkaroon ng access sa ekslusibong content para sa ikalawang season nito

Sa bagong audition process, kailangan lang nilang i-download ang Uplive app at i-upload ang kanilang audition video. Bukod dito, magiging updated din ang users ng nasabing platform sa bonggang surprises at updates ng programa.