in

2022 salubong ng ‘ASAP Natin ‘To,’ live na live ngayong Linggo

Tuloy-tuloy ang pagsalubong sa 2022 tampok ang ilan pang pangmalakasang performance mula sa paborito ninyong Kapamilya idols, tulad ng pagbirit ni Gigi de Lana, isang bonggang birthday tribute para kay Sharon Cuneta, at ilan pang bigating kantahan at sayawan live na live ngayong Linggo (Enero 2) sa “ASAP Natin ‘To” sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Kantahan to the max ang dala ng 2021 breakout star na si Gigi de Lana, kasama ang GG Vibes Band, habang patuloy rin ang biritan sa birthday tribute ng New Gen Birit singers na sina Jayda Avanzado, Reiven Umali, Janine Berdin, Sheena Belarmino, Sam Mangubat, JM Yosures, Lara Maigue, at Elha Nympha para sa nag-iisang Megastar, Sharon Cuneta.

Maki-party naman sa New Year treat ng inyong “ASAP Natin ‘To” family, tampok ang trending TikTok hits kantahan at sayawan mula kina Janine Gutierrez, Klarisse de Guzman, Nyoy Volante, Jason Dy, at marami pang iba.


At huwag palampasin ang nakakaantig na kantahan mula kina Gary V., Zsa Zsa Padilla, Jed Madela, Yeng Constantino, Erik Santos, at Regine Velasquez sa kauna-unahang “The Greatest Showdown” ngayong 2022.

Salubungin na ang bagong taon kasama ang inyong paboritong Kapamilya stars sa longest-running musical variety show sa bansa, ang “ASAP Natin ‘To,” live na live ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.